2019 budget gagamitin muna
MANILA, Philippines — Pinalawig ni Pangulong Duterte ang availability ng 2019 national budget hanggang Disyembre 31, 2020 matapos mabalam ang pagpasa nito sa taong ito.
Ibig sabihin, ang unobligated funds o hindi nagamit na pondo sa maintenance and other operating expenses (MOOE) na P324.758 billion at P339.53 billion capital outlays sa ilalim ng 2019 national budget ay maaari pang magamit sa susunod na taon.
Nagbabala ang mga mambabatas na ang lahat ng unused appropriations para sa 2019 ay ibabalik sa national treasury kung hindi maipapasa ang extension.
Ito ay matapos magpalabas ng EO 91 ang Pangulo para sa paglalaan ng capital outlays at maintenance and other operating expenses (MOOE) para sa 2019 hanggang December 31, 2019.
Magugunitang nagkaroon ng pagkaantala sa pagkakapasa ng 2019 national budget kaya nabitin ang implementasyon ng mga infrastructure projects ng gobyerno at iba pang basic social services.
- Latest