Centenarians Act aamiyendahan
MANILA, Philippines — Upang hindi na hintayin pa ng mga senior citizens na umabot sa 100 years old bago makakuha ng pera sa gobyerno sa ilalim ng Centenarians Act of 2016,” isinulong ni Sen. Koko Pimentel na amiyendahan ang nasabing batas.
Sa Senate Bill 1178 ni Pimentel, sinabi nito na bagaman nasa batas na makakatanggap ng cash gift na P100,000 ang lahat ng Filipino na aabot sa 100 taong gulang kahit pa sila ay nasa labas ng bansa, kakaunti na lamang ang umaabot sa nasabing edad kaya hindi na nila nae-enjoy ang nasabing benepisyo.
Dapat makatanggap na rin ng cash gifts ang mga Filipino na umabot sa 80 at 90 taong gulang upang mas maraming Filipino ang makinabang sa batas.
Sa kanyang panukala, ang mga Filipino na aabot sa 80 taong gulang ay tatanggap ng P20,000, ang aabot sa 90 taong gulang ay P30,000 at P50,000 kapag umabot na sa 100 taon.
- Latest