Digong handang tanggapin ang Rohingya refugees
MANILA, Philippines — Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na tanggapin ang mga Rohingya refugees sa Pilipinas.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag kamakalawa sa pamamahagi ng certificate of agrarian reform benificiaries sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa Cotabato City.
Aniya, ipinabatid na niya sa kinauukulan ang kanyang kahandaan upang tanggapin ang mga Rohingya bilang refugees.
“I am prepared. I have communicated my desire na kapagka yung mga Rakhine, yung mga Rohingya sa Burma, kung gusto nila mag-migrate, tatanggapin ko sila. Nagtanggap man tayo noon ng mga Vietnamese ‘di ba? Panahon ng Amerikano diyan sa Palawan. Tanggapin din natin. Ang laki ng Mindanao…You plant there. Turuan natin silang mabuhay,” paliwanag pa ng Pangulo.
Noon ay tinanggap ng Pilipinas ang mga Vietnamese refugees sa Palawan upang takasan ang Vietnamese war.
- Latest