^

Bansa

One-stop shop para sa OFWs itinatag sa Palayan City

Pilipino Star Ngayon
One-stop shop para sa OFWs itinatag sa Palayan City
Araw-araw na dinudumog ang One Stop Service Center for OFW (OSSCO) na itinatag ni Palayan City Mayor Rianne Cuevas.

MANILA, Philippines — Labis ang kasiyahan ngayon ng mga OFW sa Palayan City, Nueva Ecija dahil mas marami na silang oras na makapiling ang kani-kanilang pamilya habang nagbabakasyon sa bansa dahil sa itinatag na One Stop Shop Center for OFW (OSSCO).

Hindi na kasi nila kailangang lumuwas pa ng Metro Manila para mag-renew ng passport, job contract, kumuha ng birth certificate, police at NBI clearance dahil sa itina­yong OSSCO sa lungsod.

Ayon kay Palayan City Mayor Rianne Cuevas, problema ng mga OFW ay oras dahil nauubos ito sa paglalakad ng kanilang mga papeles sa Metro Manila.

“Karamihan ng mga OFW ay isang buwan lang ang bakasyon pero halos kalahati nito ay nauubos sa pag-renew ng kontrata, passport at mga clearance,” ani Mayor Cuevas.

Sinabi pa ng Mayora, mas masaklap ‘yung sitwasyon ng mga nag-aaply pa lang dahil kaila­ngan pa nilang pumunta sa POEA o mga recruitment agency sa Metro Manila para maghanap ng trabaho na gumagastos na ng malaking halagang pera para sa pamasahe, pagkain at tirahan na matutuluyan.

Sa ngayon, anang Alkalde, ang lahat ng kailangan  na ayusin ng isang OFW sa Maynila ay dinala na sa Palayan City sa pamamagitan ng OSSCO.

Bunsod nito ay ginawaran ang Palayan City bilang best OFW one-stop shop sa buong bansa.

OFW

ONE STOP SHOP CENTER

PALAYAN CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with