^

Bansa

100 solons nanawagan sa peace talks

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mahigit 100 kongresista ang nanawagan para muling ibalik ang usapang pangkapaya­paan ng gobyerno at ng komunistang National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Ayon kay House De­puty Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, may 131 kongresista mula sa iba’t ibang partido ang lumagda sa House Resolution 636.

Giit ni Zarate na ang nasabing resolusyon ay nagbibigay umano ng malakas na mensahe mula sa mga miyembro ng mababang kapulu­ngan para sa pagsusulong ng peace process bilang paraan para matapos na ang ugat ng limang dekadang rebelyon.

Isinaad sa resolusyon na ang progreso ng peace talks sa mga nagdaang panahon ay nakabase sa nilagdaang kasunduan tulad ng sa Hague Declaration, Joint Agreement o Safety and Immunity Guarantees at sa Comprehensive Agreement on the Respect.

PEACE TALK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with