^

Bansa

'Di pa nakakikita ng solar eclipse? Mag-abang sa ika-26 ng Disyembre, Hunyo 2020

James Relativo - Philstar.com
'Di pa nakakikita ng solar eclipse? Mag-abang sa ika-26 ng Disyembre, Hunyo 2020
Sa mga hindi makakapanuod ng annular solar eclipse sa Pilipinas next week, meron pang partial solar eclipse na mangyayari sa ika-21 ng Hunyo, 2020.
NASA/Hinode/XRT

MANILA, Philippines — Inaantabayanan na ang inaasahang "annular solar eclipse" sa Huwebes, ika-26 ng Disyembre, kung saan kita sa Pilipinas ang pagharang ng buwan sa araw.

Nangyayari ang mga annular solar eclipse sa tuwing pinakamalayo ang buwan mula sa daigdig.

Dahil sa mas malayo ang buwan, magmumukha itong mas maliit at hindi mahaharangan ang buong araw kahit matakpan pa ang gitna — dahilan para magresulta sa isang "ring of fire" effect.

Maoobserbahan ang annular eclipse sa pinakatimog na bahagi ng Davao Occidental.

Ayon sa PAGASA, pinakamaganda itong panoorin sa Balut at Batulaki, Sarangani Island, Davao Occidental.

Partial solar eclipse, o bahagyang pagtakip ng buwan sa araw, naman ang makikita sa ibang bahagi ng Pilipinas.

Magsisimula ang eclipse ng 12:43 p.m. sa Balut Island, aabot sa maximum eclipse bandang 2:30 p.m. at magtatapos ng 3:57 p.m.

Sa Maynila, magsisimula ito ng 12:32 p.m., aabot ng maximum eclipse bandang 2:19 p.m. at matatapos ng 3:47 p.m.

"'Yung annularity, o ang Ring of Fire, ay dapat po nating hindi palagpasin ito sa Pilipinas, sapagkat ito po matagal bago maulit," sabi ni Mario Raymundo, hepe ng PAGASA Astronomical Observatory, Huwebes.

Huling nangyari ang naobserbahan ang annular solar eclipse sa Pilipinas 75 taon na ang nakalilipas noong ika-30 ng Hulyo, 1944.

Susunod na mangyayari ang annular solar eclipse sa bansa sa ika-28 ng Pebrero, 2063 sa Mindanao at ika-24 ng Hulyo, 2073.

"I will be 110 years old then. Aabangan ko ito," biro ni Raymundo.

Partial solar eclipse sa Hunyo

Para sa mga hindi papalaring makapanuod ng solar eclipse sa susunod na linggo, huwag mabahala.

Hindi niyo na kasi kinakailangan pang maghintay ng 2063 at 2073 para makita ito mula sa bansa.

"The next one will be on June 21, 2020 annular solar eclipse, but it is visible only in the Philippines as a partial solar eclipse," sabi pa ni Raymundo.

"Buong Pilipinas po 'yan, makakakita ng partial solar eclipse."

Proteksyon sa mata

Para sa mga nais makakita sa biglaang pagdilim sa kalagitnaan nang hapon, nagbigay ng payo ang PAGASA kung paano itong ligtas na mapapanuod nang hindi napipinsala ang paningin.

Maaari raw gamitin ang sumusunod, kung walang espesyal na mga kagamitan:

  • pagtitig ng repleksyon nito sa batya ng tubig
  • salaming ginagamit pang-welding
  • exposed na film

Para sa exposed film, mainam daw na maya't mayang ilayo ang paningin sa araw dahil hindi raw nito nafi-filter ang radiation.

"Open po ang PAGASA Astronomical Observatory for general public viewing," ani Raymundo.

"Magse-set po ang aming mga kasamahan doon ng mga telescope para masilip nila ang naturang event."

ASTRONOMY

MOON

PAGASA

SOLAR ECLIPSE

SUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with