^

Bansa

Duterte nasa NPA ‘hitlist’

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Duterte nasa NPA ‘hitlist’
Kinumpirma ito ni Presidential Security Group (PSG) chief B/Gen. Jose Niembra, pero sinabing hindi na bago na nasa listahan ng papatayin ng NPA si Pangulong Duterte.
The STAR/ File


MANILA, Philippines — Kabilang sa ‘hitlist’ ng New People’s Army (NPA) sina Pangulong Rodrigo Duterte at National Security Adviser Hermogenes Esperon.

Kinumpirma ito ni Presidential Security Group (PSG) chief B/Gen. Jose Niembra, pero sinabing hindi na bago na nasa listahan ng papatayin ng NPA si Pangulong Duterte.

Magdiriwang ng ika-51 founding anniversary ang Communist Party of the Philippines (CPP) sa darating na Disyembre 26 at inaasahang maglu­lunsad ito ng opensiba.

Ayon kay Niembra, matagal na silang nakakatanggap ng banta laban sa Pangulo at hindi nila ito binabalewala.

Sa katunayan, halos araw-araw ng kada taon ay pinagbabantaan ang buhay ng Pangulo at hindi lamang mula sa NPA, kundi mula sa iba pang armadong grupo kasama na rin ang iba’t ibang sindikato.

Tiniyak naman ng PSG chief na ginagawa nila ang lahat para maibigay ang sapat na seguridad para sa Pangulo.

Idinagdag pa ni Niembra, trabaho ng PSG na ibigay ang lahat ng kailangang seguridad sa Pa­ngulo, kahit kung minsan ay hindi ito sumusunod sa kanilang security protocols.

Pero ayon kay Niembra ay minsan naman ay sumusunod din sa kanila ang Pangulo at ang kailangan lamang ay mapaliwanagan nang maayos ang Chief Executive.

NATIONAL SECURITY ADVISER

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with