Mga Korte sa bansa suspendido sa Disyembre 23
MANILA, Philippines — Inihayag ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta ang suspensiyon ng trabaho sa mga korte sa bansa sa Disyembre 23.
Kabilang dito ang Supreme Court,Office of the Clerk of Court, EN Banc, Office of the Division Clerk of Court, First Division Office of the Division Clerk of Court, Second Division Office of the Division Clerk of Court, Third Division Judicial Record Office, Fiscal Management and Budget Division
Office of Administrative Services, SC, Office of Administrative Services, OCA, Court of Appeals, Sandiganbayan, Court of Tax Appeals, at lahat ng first at second level courts.
Gayunman sinabi ni Peralta na mananatili ang skeletal force sa ilang mga tanggapan ng SC.
Lunes pa lamang ay ipinakalat na ng SC ang mga memorandum.
Sinumang empleyado na papasok sa Disyembre 23 ay makakatanggap ng isang araw na sahod.
Deklaradong special non-working ang Disyembre 24 habang holiday ang Disyembre 25.
- Latest