Umento sa sweldo ng government employees 'certified as urgent' ni Duterte
MANILA, Philippines — Pinapapaspasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapapasa sa panukalang batas na magtataas sa sweldo ng mga kawani ng pamahalaan.
Sa isang liham na ipinadala kay Senate Presidente Vicente Sotto III, sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na pinagmamadali na ng pangulo ang pagkakapasa sa Salary Standarization law of 2019.
"Ikinalulugod ko na ipadala ang liham ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nagsesertipika sa agarang pagkakapasa ng Senate Bill No. 1219," ani Medialdea sa Inggles.
LOOK: President Duterte certifies as urgent the bill implementing the fifth round of salary increases for government employees @PhilippineStar pic.twitter.com/UiEFG3hgdZ
— Paolo S. Romero (@PaoloSRomero) December 16, 2019
Alinsunod daw ito sa mga probisyong inilatsag ng Article VI, Section 26 (2) ng 1987 Constitution, sabi ng sulat na pinetsahang ika-13 ng Disyembre.
Isasalang pa lang sa ikalawang pagdinig ang SB 1219, na inihain nina Sen. Ralph Recto, Sen. Christopher "Bong" Go, Sen. Joel Villanueva, Sen. Juan Miguel Zubiri, Sen. Ramon "Bong" Revila at Sen. Sonny Angara.
Sasaklawin ng salary increase ang lahat ng civilian government personnel sa:
- ehekutibo
- lehislatura
- hudikatura
- constitutional commissions at iba pang constitutional offices government-owned or controlled corporations na hindi saklaw ng Republic Act 10149
- local government units
Hindi naman kasama sa coverage ng panukala ang:
- militar at uniformed personnel
- mga GOCC na covered ng RA 10149
- mga indibidwal na sangkot sa mga job order, contracts of service, consultancy o service contracts na "walang employer-employee relationship"
Makikita ang panibagong salary schedule at "step increments" dito, na hahatiin sa apat na bahagi. — may mga ulat mula kay The STAR/Paolo Romero
- Latest