^

Bansa

'Pasabog' ni Robredo sa drug war ipagpaliban dahil sa Davao del Sur earthquake

James Relativo - Philstar.com
'Pasabog' ni Robredo sa drug war ipagpaliban dahil sa Davao del Sur earthquake
Pagpapakita ni Vice President Leni Robredo ng kopya ng "Co-Chairman's Report" sa iligal na droga matapos ang nangyaring lindol sa Mindanao.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Ipinospone muna ni Bise Presidente Leni Robredo ang kanyang ulat tungkol sa kanyang panunungkulan bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs kasunod ng nangyaring 6.9 magnitude na lindol sa Davao del Sur noong Linggo.

Noong Nobyembre, ipinangako ni Robredo na isisiwalat niya ang kanyang mga natuklasan noong siya'y namumuno pa sa ICAD at mga rekomendasyon niya rito.

Kilalang kritiko si Robredo ng madugong gera kontra droga ni Pangulong Rodrigo Duterte, na kumitil na sa buhay ng libu-libo — kabilang ang ilang inosente.

Ilang araw tumagal sa pwesto si Robredo matapos italaga ni Digong nang agad ding sinisantehin matapos diumano gamitin ang plataporma para birahin ang administrasyon.

"Parang napakamali sa timing na asikasuhin natin 'yung report sa ICAD, na mayroon pa namang panahon para pag-usapan," sabi ni Robredo, Lunes.

"Tingin namin, mas mabuti na ang pagtuunan ng pansin ngayon ng lahat ay kung paano tayo makakatulong sa mga victim."

Hindi bababa sa tatlo ang naiulat nang kumpirmadong patay sa lindol, na nag-iwan nang marami pang sugatan sa Mindanao.

Umapela rin ng donasyon mula sa mga tao ang ikalawang pangulo upang matulungan ang mga survivors ng pagyanig.

"Ngayon nila tayo kailangan na kailangan, lalo na kasi magpa-Pasko," dagdag pa niya.

"Masiguro lang sana natin 'yung kanilang kaligtasan, masiguro natin na 'yung pinakabasic na pangangailangan natutugunan."

Aniya, hindi tulad ng bagyo ay tuloy-tuloy pa rin kasi ang pasakit na idinudulot ng lindol sa Mindanao sa ngayon.

Umabot na sa 457 aftershocks ang naiulat na naitala simula nang tumama ang earthquake, ayon sa isang ulat ngayong umaga.

Una nang kinumpirma ni Presidential Security Group Commander Col. Jose Niembra na ligtas ang pamilya ni Digong nangyari ang sakuna.

Bakit ang tagal ni VP Leni?

Bumwelta naman ang Palasyo sa pagkaantala ng paglalabas ni Robredo ng ulat tungkol sa gera kontra droga.

"Bakit ba ang tagal-tagal niya? Tulad ng sabi ng presidente, 'Bring it on, anumang ilalabas mo,'" wika ni presidential spokesperson Salvador Panelo sa Inggles.

Aniya, tila wala naman daw talagang ilalabas ang bise presidente at nag-iisip pa siya kung anong isisiwalat: "[D]oon ka matagal."

Kung mayroon daw siyang nais na ibulgar na iregularidad, sana raw ay noon na inilabas.

Paliwanag naman ni Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, siguro'y wala lang "puso at malasakit" si Panelo kung sadyang hindi maintindihan ang isinagawang "deferment" ng vice presidente.

Malinaw naman daw ang mga kondisyon para maintidhan kung bakit kailangang unahin ang mga biktima ng lindol.

— may mga ulat mula sa News5

EARTHQUAKE

ICAD

LENI ROBREDO

SALVADOR PANELO

WAR ON DRUGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with