^

Bansa

Amyenda sa Konstitusyon idinepensa

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Amyenda sa Konstitusyon idinepensa
Ayon kay Rodriguez, hindi itinago ng liderato ng Kamara at ng komite ang pag-apruba sa panukala para sa pag-am­yenda ng 1987 Constitution.
Gerry Lee Gorit/ File

MANILA, Philippines — Ipinagtanggol ni House Committee on Constitutional Amendments chairman Rufus Rodriguez ang pag-apruba ng komite sa Charter Change o ChaCha habang naka executive session.

Ayon kay Rodriguez, hindi itinago ng liderato ng Kamara at ng komite ang pag-apruba sa panukala para sa pag-am­yenda ng 1987 Constitution. 

Bilang patunay umano ay present ang anim na miyem­bro ng MAKABAYAN bloc nang ipasa nila sa committee level ang naturang panukala. 

Wala rin umanong dapat na ilihim dahil dumaan naman sa masusing pagbusisi at konsultasyon ng mga stakeholders ang ChaCha. 

Siniguro naman ni Rodriguez na magiging bukas ang deliberasyon sa ChaCha sa oras na isalang at isponsoran na ito sa plenaryo ng Kamara sa susunod na linggo.

Sa ilalim ng konstitusyon, kailangan ng 3/4 na hiwalay na boto ng dalawang kongreso para maipasa at maisalang ang ChaCha sa plebesito.

CHACHA

RUFUS RODRIGUEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with