^

Bansa

2018 SALN ni Duterte 'di pa inilalabas; Bagong ombudsman guidelines sinisi ng PCOO

Philstar.com
2018 SALN ni Duterte 'di pa inilalabas; Bagong ombudsman guidelines sinisi ng PCOO
"Bagama't gusto nating pabilisin ang mga bagay-bagay, may mga procedures na kailang sundan at alalahanin," wika ni Presidential Communications Operations Office Assistant Secretary Kris Ablan.
Presidential Photo/King Rodriguez

MANILA, Philippines — Hindi pa rin nailalabas ni Pangulong Rodrigo Duteret ang kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth para sa taong 2018 dahil sa nakabinbing panuntunan sa pampublikong access sa dokumento.

Hanggang sa ngayon, hindi pa rin inilalabas ng Office of the Ombudsman ang mga panibagong guidelines sa public access sa SALN ng mga opisyal na gobyerno.

Ayon sa Presidential Communications Operations Office, lahat ng request sa mga kopya ng SALN ay nangangailangan ng pagsang-ayon ni Ombudsman Samuel Martires.

"Ikinatutuwa namin na malapit nang ilabas ng Office of the Ombudsman ang revised guidelines sa public access sa SALN," sabi ni PCOO Assistant Secretary Kris Ablan sa isang liham sa Philstar.com sa Inggles.

Ang sulat ay tugon sa artikulo ng Philippine Center for Investigative Journalism na pinamagatang "Duterte's secret SALN: The lie of his FOI."

Dahil hindi pa niya nailalabas ang kanyang SALN para sa taong 2018, sinabi ng PCIJ na si Digong ang unang presidente sa loob ng 30 taon na hindi pa naglalabas nito.

Paliwanag naman ni Ablan, may mga panuntunang kailangang sundan sa paglalabas ng SALN ng presidente.

"Bagama't gusto nating pabilisin ang mga bagay-bagay, may mga procedures na kailang sundan at alalahanin," wika niya.

Sinabi din ng PCOO na importanteng dokumento ang SALN sa ilalim ng Executive Order 2 o Freedom of Information EO.

Sa ilalim ng Section 17 ng 1987 Constitution, sinasabing:

"A public officer or employee shall, upon assumption of office and as often thereafter as may be required by law, submit a declaration under oath of his assets, liabilities and net worth."

Saklaw nito ang presidente, bise presidente, mga miyembro ng Gabinete, Kongreso, Korte Suprema, constitutional commissions, iba pang constitutional offices at opisyal ng militar na may ranggong heneral or flag rank, alinsunod sa batas.

Ayon pa kay Ablan, kinakailangang isumite at itago ang SALN ng pangulo sa Office of the Ombudsman, alinsunod sa Ombudsman Memorandum Circular 3 series of 2012 at Civil Service Commission Resolution 1500088.

Kinakailangan din daw na isumite anumang request sa dokumento sa ombudsman.

Marami nang requests

Sa ulat ng PCIJ, sinabi ng kanilang executive director na si Malou Mangahas na hiniling na nila at ng Right to Know, Right Now! Coalition ang 2018 SALN ni Duterte, ngunit "kung saan-saan" daw sila itinuro — sa pagitan ng Office of the Executive Secretary at Office of the Ombudsman.

"[L]ahat ng mga requests mula Hunyo hanggang Nobyembre 2019 ang tinanggihan dahil sa magkaparehong paraan: dahil hindi pa natatapos ng Ombudsman ang bagong guidelines sa paglalabas ng mga SALN ng presidente at iba pang senior officals," sabi pa ng report.

Sabi pa ng grupo, hindi rin daw ipinaliliwanag ng mga nasabing tanggapan kung bakit may pangangailangan sa panibagong guidelines gayong naglabas na noon ng mga panuntunan ang mga naunang ombudsmen pagdating sa pagkuha ng mga SALN.

"Ang esensya ng sariling Executive Order No. 2 ni Duterte na nag-operationalize sa Freedom of Information sa buong ehekutibo ay nangangailangan ng buong paglalantad, at higit sa lahat ng mga pampublikong dokumento, ang SALN ng lahat ng executive officials — pati na rin siya," wika ng PCIJ. — James Relativo at may mga ulat ni Patricia Lourdes Viray

PHILIPPINE CENTER FOR INVESTIGATIVE JOURNALISM

PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS OFFICE

RODRIGO DUTERTE

STATEMENT OF ASSETS LIABILITIES AND NET WORTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with