^

Bansa

AFP suportado ang 'exploratory talks' ni Duterte sa CPP-NPA-NDFP

James Relativo - Philstar.com
AFP suportado ang 'exploratory talks' ni Duterte sa CPP-NPA-NDFP
Pero hindi raw irerekomenda ng militar na magkaroon ng ceasfire sa pagitan ng gobyerno at ng armadong grupo ngayong Kapaskuhan.
The STAR/Miguel de Guzman, File

MANILA, Philippines — Bukas ang Armed Forces of the Philippines sa plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling makipag-usap sa rebeldeng Communist Party of the Philippines, New People's Army at National Democratic Front of the Philippines upang bigyang daan ang kapayapaan.

Sa panayam ng CNN Philippines kay AFP spokesperson Edgard Arevalo, bagama't sila ang numero unong kabakbakan ng mga armadong Kaliwa ay hangad nila ang ikakatagumpay sa panibagong pagsisikap ng gobyerno.

"[L]ubos kaming nagtitiwala at sumusuporta sa wisdom ng ating presidente sa hakbang na ito," wika ni Arevalo sa Inggles.

"Kung meron mang gustong makapagpanalo ng pangmatagalang kapayapaan, ito ang mga sundalo dahil sila ang araw-araw na sumusuong sa peligro sa pakikipaglaban sa mga communist terrorist groups."

Sabado nang lumapag sa Utrecht, The Netherlands si Labor Secretary Silvestre Bello III para sa paunang pakikipag-usap sa mga representante ng NDFP na pinangungunahan nina Jose Maria Sison, Fidel Agcaoili at Luis Jalandoni.

Matatandaang inutusan ni Digong si Bello na magtungo sa ibayong dagat bilang "huling baraha" ng kapayapaan upang buhayin ang usaping pangkapayapaan na kanyang pinutol ilang buwan na ang nakalilipas.

'Yan ay kahit sinabi na niya noon na pinal na ang kanyang desisyon na huwag nang makipag-usap.

"Hindi ako pwedeng tumigil. Hindi ko pwedeng sabihin na ayokong makipag-usap. Hindi 'yan pahayag ng isang lider, ng isang presidente," wika ni Duterte sa Albay noong nakaraang linggo.

Ipinadala raw niya si Bello dahil "dati siyang komunista." "The NPAs, magkaibigan naman kami niyan, kaya gusto nating makipag-usap uli," sabi pa ni Digong noong Martes.

Nilinaw naman ni Arevalo na hindi pa pormal na panunumbalik sa negotiating table ang nangyayari sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at mga Maoista, at tinawag itong "exploratory talks."

Una nang ikinatuwa ng mga ligal na progresibong grupo ang pahayag ng administrasyon tungkol sa mga panibagong pag-uusap.

Ilang dekada nang naglulunsad ng armadong pakikibaka ang CPP-NPA-NDFP laban sa gobyerno upang ibagsak ang diumano'y pamamayani ng imperyalismo, piyudalismo at burukrata kapitalista sa bansa.

Ayaw ng holiday ceasfire

Sa kabila ng pagtalima ng kasundaluhan ang kagustuhan ni Duterte, hindi raw irerekomenda ng militar na magkaroon ng ceasfire sa pagitan ng gobyerno at ng armadong grupo ngayong Kapaskuhan.

Kapag nagdedeklara raw kasi ng tigil-putukan ang AFP at NPA, sinasamantala raw ito ng huli para makapagrekluta (recruit), makapag-ayos (refurbish), makapag-regroup at makapagpalakas (resurge).

"Ayaw nating magawa nila 'yon at mapagsamantalahan nila 'yung season. Kahit na para sa kapayapaan tayo... ayaw natin nang maiksing kapayapaan kung saan magagawa nila 'yung apat na 'R' na binabanggit natin," sabi pa ng AFP spokesperson.

Sa kabila nito, dati namang sinasabi ng ng mga rebelde na ang panig ng gobyerno ang nauuunang lumalabag sa mga napagkakasunduang tigil-putukan.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

EDGARD AREVALO

NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES

NEW PEOPLE'S ARMY

PEACE TALKS

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with