^

Bansa

Iwas trapik Pasig River Ferry System, bukas na uli!

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Iwas trapik Pasig River Ferry System, bukas na uli!
Muling inilunsad kahapon ang Pasig River Ferry System na pinangunahan nina MMDA Chairman Danny Lim, Senator Bong Go, DOTR Sec. Arthur Tugade, Manila Mayor Isko Moreno, Pasig Mayor Vico Sotto at DENR Secretary Roy Cimato.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Bukas na uli ang Pasig River Ferry System at maaari nang bumiyahe.

Ito’y matapos na isagawa kahapon ang re-launching Pasig River Ferry System na naglalayong makabawas ng mga pasahero sa mga lansangan.

Ang simpleng seremonya ay dinaluhan nina Manila Mayor Isko Moreno, MMDA Chairman Danilo Lim, MMDA General Manager Jojo Garcia, Transportation Sec. Arthur Tugade, Senator Bong Go at  Pasig City Mayor Vico Sotto.

Mula sa Lawton Station sa Maynila ay sumakay ang mga opisyal patungo sa Guadalupe Ferry Station sa Makati.

Layunin ng pagbubukas ng ferry system na maihatid ang mga pasahero na nakikipagsapalarang makasakay sa ibang public utility vehicle.

Malaking tulong kasi aniya ito sa mga commuter bilang alternatibong transportasyon para makaiwas sa trapik sa mga lansangan sa Metro Manila.

PASIG RIVER FERRY SYSTEM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with