^

Bansa

Proseso ng maternity leave claims, pinadali ng SSS

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mas pinadali na ngayon ng Social Security System (SSS) ang pagtanggap at pagproseso ng maternity benefit claims kaugnay ng Ease of Doing Business Act and the Expanded Maternity Leave Law (EMLL) ng pamahalaan.

Ang dagdag na guidelines ay para sa maternity bene­fit claims sa bawat delivery, miscarriage, o emergency termination ng pagbubuntis mula at pagkatapos ng March 11, 2019.

“These new service procedures and standards, fitted to the provisions of the EMLL, are designed to expedite maternity benefit processing while still ensuring that there will be no fraudulent claims,” ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Aurora Ignacio.

Anya isa sa pinagaan sa documentary requirements ay hindi na kasama ang dagdag na dokumento hinggil sa uri ng delivery kung cesarean ang panganganak ng miyembro.

Ang mga kababaihang miyembro ng SSS na nag- aaplay ng maternity benefit claims ay may option na mag-update o magmantine ng kanilang maiden names.

Sa ngayon anya, ang SSS ay tatanggap at magpoproseso ng Maternity Claim Applications at supporting documents kahit may konting  discrepancies o inconsistencies basta’t masisino ang pagkatao ng  mga miyembro.

Sinabi rin ni Ignacio na pabibilisin din ng SSS ang proseso ng maternity reimbursement claims.

MATERNITY LEAVE

SOCIAL SECURITY SYSTEM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with