^

Bansa

Duterte bukas uli sa peace talks

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Duterte bukas uli sa peace talks
Ginawa ng Pangulo ang pahayag ng bumisita ito sa Bicol na malubhang napinsala ng bagyong Tisoy kamakalawa.
King Rodriguez/Presidential Photo/File

MANILA, Philippines — Nais muling bigyan ng pagkakataon ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang usapang pangkapa­yapaan sa hanay ng CPP-NPA-NDF.

Inatasan ng Pangulo si Labor Sec. Silvestre Bello lll upang magtu­ngo sa The Netherlands para makipag-usap kay CPP founder Jose Maria Sison.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag ng bumisita ito sa Bicol na malubhang napinsala ng bagyong Tisoy kamakalawa.

“Ang ano ko nga­yon…I cannot stop. Hindi ko pwedeng sabihin, “Ayaw ko na makipag-usap”. That is not a statement of a leader, of a president. Alam ko yung mga military. But you know you should understand that the quest for…the longing for peace is always there. And not for the military and the police but for everybody. Kailangan…the doors must be open always…there must be at least one channel if everything closes na pwede mong pakiusapan,” sabi ng Pangulo.

Magugunita na kinansela ng Pangulo noong Marso ang peace talks sa CPP-NPA-NDF dahil sa patraydor na pag-atake ng NPA sa pulis at militar kahit umiiral ang usapang pangkapayapaan.

“If he (Sison) agrees, sabi ko last card,” anang Pangulo.

Inamin din ng Pa­ngulo na may mga pag­kaka­taon na kailangan mong bawiin ang mga nasabi mo sa mga tao. Patungkol ito sa ilang beses niyang pahayag na hindi na siya babalik pa sa negotia­ting table sa CPP-NDF.

Ayon naman kay Bello, kailanman ay hindi nawala ang hanga­rin ng Pangulo na makamit ng Pilipinas ang panghabambuhay na kapa­yapaan.

Sabi pa ni Bello, kukumbinsihin niya si Joma Sison na ganapin sa Pilipinas ang pagpapatuloy ng peace talks.

Umaasa naman ang kalihim na magkakaroon ng positibong resulta ang kanyang pagtungo sa The Netherlands dahil naniniwala siyang kapwa hinahangad ng mag­kabilang panig ang kapa­yapaan.

PEACE TALK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with