^

Bansa

SEAG opening naging magarbo

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
SEAG opening naging magarbo
Mistulang naging dagat ng tao ang loob ng Philippine Arena na dumalo sa bonggang opening ng 30th SEA Games kahapon.

BULACAN, Philippines — Naging magarbo kahapon ang pagbubukas ng 30th Southeast Asian Games kung saan du­malo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine Arena na itinuturing na pinakamalaking indoor arena sa buong mundo.

Dakong alas-6:30 ng gabi ng dumating ang Pangulo sakay ng isang helicopter na dumiretso sa Bulacan matapos mag-alay ng bulaklak sa bantayog ni Andres Bonifacio sa Caloocan City na ginunita rin kahapon ang ika-156 na kapa­nganakan.

Nakatabi ng Pangu­lo si Sultan Haji Hassanal Bolkiah ng Brunei na bumisita rin sa kanya sa Malacañang kung saan nagkaroon sila ng bilateral meeting ilang oras bago ang pormal na pagsisimula ng SEA Games.

Kalahok sa SEA Games ang anak ni Bolkia na si Prince Abdul Mateen sa larong polo.

Matapos ang ilang intermission numbers, isi­nagawa ang tradisyunal na parada ng mga atleta ng mga kalahok na bansa.

Naging standing ovation at kasama sa mga tu­mayo sina Duterte at Bol­kiah nang pumarada ang mga atletang Pinoy habang kinakanta ang “Manila” ng grupong Hotdog.

Napapasayaw din ang Pangulo at kumakaway sa mga tao habang isinasagawa ang parada ng mga atleta ng Pilipinas.

Dalawang linggo magtatagal ang palaro na ginaganap sa iba’t ibang lugar sa Luzon kabilang ang New Clark City sa Capaz, Tarlac.

Ang Team Philippines ay pinangunahan ni 2020 Olympic pole-vaulter EJ Obiena, 2016 Olympic silver medalist Hidilyn Diaz at Asian Games champion Margielyn Didal.

Si Lani Misalucha ang kumanta ng Pambansang Awit, samantala nagtanghal din si Apl.de.Ap ng Black Eyed Peas.

Nasa 5,000 atleta ang kalahok sa SEAG na nagmula sa 11 bansa at maglalaban-laban sa nasa 300 events sa 56 na sports.

30TH SOUTHEAST ASIAN GAMES

RODRIGO ROA DUTERTE

SULTAN HAJI HASSANAL BOLKIAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with