^

Bansa

Pondo sa SEAG hinahanap ni Duterte

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagtataka si Pangu­long Duterte kung saan ginamit ng mga organi­zers ang malaking pondo para sa 30th Southeast Asian Games.

Magugunita na iniutos ng Pangulo ang agarang imbestigasyon sa nangyaring kapalpakan at sinasabing anomalya sa paghahanda sa SEA Games.

“In the first place, where is the money? You should have had a group paid,” wika ng Pangulo.

Nainis ang Pangulo ng makarating sa kanya ang ulat na sinapit ng mga dayuhan manlalaro mula sa airport hanggang sa paghatid sa kanila sa hotel.

“To me personally, there was a lot of money poured into this acti­vity now and I suppose that with that kind of mo­ney you can run things smoothly. Apparently siguro may mga palpak,” dagdag n’ya.

Ang organizer ng SEA Games ay ang Philippine SEA Games Organizing Committee (Phisgoc) na pinamumunuan bilang chair ni House Speaker Alan Peter Cayetano. Naniniwala naman ang Pangulo na hindi sangkot sa corruption si Speaker Cayetano.

Tiwala rin ang Pangulo sa iba pang lider ng Phisgoc na sina Chef de Mission William “Butch” Ramirez at Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino pero naniniwala siyang kinulang lamang talaga sa paghahanda.

Sa susunod ay plano niyang ipahawak na lamang bilang organizer sa military men ang katulad na sports meet na SEA Games.

DUTERTE

PONDO

SEA GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with