Duterte ‘di pabor suspindihin ang klase
MANILA, Philippines — Hindi pabor si Pangulong Duterte sa rekomendasyon ni Interior Sec. Eduardo Año na suspindihin ang klase sa Metro Manila habang idinadaos ang 30th South East Asian (SEA) Games mula November 30-Dec 11.
Ginawa ni DILG Sec. Año ang proposal para maiwasan daw ang sobrang traffic na idudulot habang ginagawa ang SEA Games.
Ilang paaralan naman na malapit sa venue ng SEA Games sa Maynila ang nagsuspinde ng kanilang klase upang makaiwas na din sa matinding trapiko.
“Hindi nga pwede kasi mahaba,” paliwanag ni Pangulong Duterte.
Sinabi ng MMDA na magkakaroon ng special lane ang mga transportasyon ng mga delegadong atleta patungo sa kanilang mga venue para hindi sila mabalam sa trapiko.
- Latest