Pag-regulate sa vape isinulong sa Kamara
MANILA, Philippines — Inihain na sa Kamara ang panukala para sa pag-regulate sa e-cigarettes at vape sa bansa.
Sa House Bill 5630 ni House Majority leader Benny Abante, nais niya na magkaroon ng batas para ma-regulate ang mga e-cigarettes at vape.
Sa ilalim ng panukala, ipagbabawal ang pagbebenta ng e-cigarettes at vape sa mga kabataang may edad 25 pababa.
Kapag naging batas, ipagbabawal din ang paglalagay ng flavor sa liquid na ginagamit sa vape para lalong hindi maengganyo ang mga kabataan sa paggamit nito.
Bawal din sa ilalim nito ang paggamit ng vape sa mga pampubliko at mataong lugar.
Nais ni Abante na magkaroon ng regulation sa vape dahil sa nakikita niyang clear and present danger dahil hindi lamang umano sa tindahan nabibili ang vape kundi maging sa pamamagitan ng internet.
- Latest