^

Bansa

'Bawal humipak': Foreign athletes na magve-vape aarestuhin din ng PNP

James Relativo - Philstar.com
'Bawal humipak': Foreign athletes na magve-vape aarestuhin din ng PNP
"Hindi sila excused. Maging ‘yung magtatangkang gumamit ng vape o e-cigarettes ay hindi natin sila [palalampasin]," wika ni Philippine National Police spokesperson Bernard Banac, Miyerkules.
The STAR/Edd Gumban, File

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng Philippine National Police ang mga banyagang atletang kalahok sa ika-30 Southeast Asian Games na hindi sila "exempted" mula sa mga ipinatutupad na batas at ordinansa sa bansa — kasama ang kontrobersyal na pagbabawal sa electronic cigarettes.

"Hindi sila excused. Maging ‘yung magtatangkang gumamit ng vape o e-cigarettes ay hindi natin sila [palalampasin]," wika ni PNP spokesperson Bernard Banac, Miyerkules.

Ika-19 ng Nobyembre nang ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagbawal ang pag-aangkat at paggamit ng vape sa pampublikong lugar, kahit na walang batas o executive order tungkol dito.

Bagama't walang kulong, matatandaang sinabi ni Banac na aarestuhin, ipabla-blotter at kukumpisahin ang mga gamit pang-vape ng mga mahuhuli ng mga pulis.

Pinapayagan naman ang paggamit nito sa mga designated smoking areas.

"Kung meron silang katanungan ay hindi naman masamang magtanong at humingi ng guidance sa kanilang group leader o kaya sa staff ng hotels na kanilang tinutuluyan," sabi pa ng tagapagsalita.

Una nang sinabi ni Digong na hindi na kailangan ng panibagong EO para rito, pero pagbabahagi ni Justice Secretary Menardo Guevarra, paparating na ang bagong order para saklawin ang lahat ng klase ng vaping. 

Sakop daw ng EO 26, na nagbabawal manigarilyo sa pampublikong lugar, ang e-cigarettes basta't gumagamit ito ng kaparehong tobacco derivative.

Ginamit na rin ng PNP bilang pangatwiran sa pang-aaresto ang Presidential Decree 984 ni dating Pangulong Ferdinand Marcos dahil nakaka-"pollute" daw ito nang hangin.

Ayon naman sa Integrated Bar of the Philippines, nasa kamay na raw ng korte kung ligal nga bang talaga ang verbal order ni Duterte na i-ban ito, na nakikita ng ilan bilang alternatibo upang tumigil manigarilyo.

Noong ika-25 ng Nobyembre, umabot na sa 243 katao ang hinuli ng PNP dahil sa pagve-vape.

Kinumpirma naman ngayong buwan ng Department of Health ang unang kaso ng electronic-cigarette or vaping product use associated lung injury na nagmula sa isang 16-anyos na babae mula sa Central Visayas. — may mga ulat mula sa News5

ELECTRONIC CIGARETTES

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SOUTHEAST ASIAN GAMES

VAPE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with