^

Bansa

Kamara at Senado nagtuturuan

Malou Escudero, Gemma A. Garcia - Pilipino Star Ngayon
Kamara at Senado nagtuturuan
Sinabi ni Cayetano na tama lang ang naunang pahayag nina Deputy Speaker Michael Romero na isisi kay Senate Mino­rity leader Franklin Drilon dahil sa delayed na budget approval.
The STAR/File

MANILA, Philippines — Isinisisi ni House Speaker Alan Cayeta­no sa Senado ang mga  nangyayaring aber­ya at isyu na nararanasan ngayon sa Southeast Asian (SEA) Games.

Sinabi ni Cayetano na tama lang ang naunang pahayag nina Deputy Speaker Michael Romero na isisi kay Senate Mino­rity leader Franklin Drilon dahil sa delayed na budget approval.

Giit pa ng kongresista, chairman ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC), si Drilon ang nagpanukala na pagbawas ng 33% at paglilipat ng budget ng SEA games sa Philippine Sports Commission.

Subalit ibinato naman ni Drilon sa Kamara ang sisi dahil late ang Mababang Kapulungan sa pag-apruba sa budget bunsod ng mga isiningit dito na pondo.

Sa gitna ng nangya­yaring sisihan sa kakula­ngan ng preparasyon sa Southeast asian SEA Games, inihayag ni Se­nate President Vicente “Tito” Sotto III na posi­bleng binubuweltahan at nadamay ang pangalan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon dahil sa ginawa nitong pagpuna sa P50 milyong halaga ng kaldero o cauldron.

Naniniwala si Sotto na walang basehan ang paninisi kay Drilon o kaya ay sa Senado sa delay na pagpasa ng 2019 national budget.

Ipinaalala rin ni Sotto na sa halip na ipasa ng House of Representatives sa Senado ang panukalang budget noong Octubre 1, 2018, isinumite ito noong Nobyembre 24, 2018.

Idinagdag ni Sotto na hindi naman maaring tanggapin na lamang ng Senado ang isinusubo sa kanila ng Kamara.

Ipinaalala rin ni Sotto na may ginalaw sa pambansang pondo ang Kamara na hindi lamang P75 bilyon kundi P95 bilyon na nakita ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte at na-veto.

ALAN CAYETA­NO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with