Pagkamkam sa ari-arian ng power firm ipinatigil
MANILA, Philippines — Ipinatigil pansamantala ng Iloilo Regional Trial Court ang petisyon para sa ‘expropriation proceeding’ sa mga ari-arian at pasilidad ng ‘Panay Electric Company’ (PECO) matapos mabigo ang kalaban nitong ‘MORE Electric and Power Corp. (MORE) na makuha ang pagsang-ayon ng Korte Suprema.
Sa isang kautusan, sinabi ni Hon. Judge Daniel Antonio Gerardo Amular na suspendido na ang naunang desisyon ng korte na ilipat sa MORE ang mga ari-arian at pasilidad ng PECO na inilabas ng kanyang pinalitan na si Hon. Judge Yvette Go, “in the interest of judicial fairness, respect to the Honorable Supreme Court, and for practical considerations.”
Nabigo ang MORE na makakuha ng temporary restraining order mula sa Supreme Court laban sa naunang desisyon ng Mandaluyong City Regional Trial Court na pumapabor sa posisyon ng PECO na labag sa Konstitusyon ang probisyon ng R.A. 11212 (prangkisang nagkakaloob sa More) na isinasalin sa MORE ang mga ari-arian at pasilidad ng PECO.
Bukod sa pagsantabi sa hirit na TRO ng MORE, inutusan pa ng Mataas na Hukuman ang MORE at si Go na magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat mapatawan ng ‘contempt’ dahil sa hindi pagkilala sa desisyon ng Mandaluyong RTC.
- Latest