^

Bansa

Digong sinibak si Leni bilang ICAD co-chair!

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Digong sinibak si Leni bilang ICAD co-chair!
“The Palace is announcing the termination of the services of Vice President Ma. Leonor Robredo as Co-Chairperson of the Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD),” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.
The STAR/Krizjohn Rosales

MANILA,Philippines — Sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

“The Palace is announcing the termination of the services of Vice President Ma. Leonor Robredo as Co-Chairperson of the Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD),” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Kinumpirma rin ito kagabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Sinabi pa ni Panelo na ang pagtatalaga kay Robredo ng isang tungkulin ay isang alok at tsansa na magkaisa ang administrasyon at ang oposisyon sa kampanya laban sa droga.

Pero, sa kasawiang palad, sabi ni Panelo, sinayang niya (Robredo) ang oportunidad na iyan at gamit ang platapormang iyan ay inaatake ang mga pamamaraang ginagawa ng administrasyon.

Idinagdag ni Panelo na nasira lalo ang naturang oportunidad nang hilingin niya ang police data na nagpapabalido sa kasinungalingan ng kanilang (oposisyon) argumento na state sponsored ang extra-judicial killings. 

Magugunita na sinabi mismo ng Pangulo na wala itong tiwala kay Robredo kaya hindi niya  ito ginawang cabinet member.

“Kung seryoso si VP Robredo sa paglutas ng problema sa droga, dapat sanang bumaba siya sa grassroot, nakipag-­usap sa mga biktima, sa kanilang pamilya at sa mga komunidad. Sa halip,  mas pinili niyang humarap sa mga opisyal ng United Nations at United State Embassy na nananatiling out-of-touch sa mga realidad ng problema sa droga sa ground,” sabi pa ng tagapagsalita ng Pangulo.

Pinuna ng Pangulo ang agad na pakikipag-usap ni Leni sa mga foreign individuals at organization na kritiko pa mismo ng drug war.

Pinuna ni Panelo na sinisiraan ni Robredo sa mundo ang bansa at minamaliit ang pagsisikap ng pamahalaan na ipre­serba ang general welfare.

Itinalaga ni Pangulong Duterte si Robredo bilang co-chair ng ICAD noong November 5.

DUTERTE

LENI ROBREDO

SINIBAK SA ICAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with