^

Bansa

Rice importation tuloy – DA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Rice importation tuloy – DA
Sa halip na suspendehin ang importasyon, maghihigpit na lang umano ang gobyerno para matiyak na hindi sobra-sobra at may kalidad ang mga papasok na imported rice.
Michael Varcas/File

MANILA, Philippines – Tuloy ang gagawing pag-angkat ng bigas ng Pilipinas pero magpapatupad ng mas mahigpit na proseso sa pagpasok ng imported rice.

Ito ang tinuran ni Agriculture Secretary William Dar matapos makipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte na una nang nag-utos na suspendihin ang rice importation upang bigyang daan ang pagbili ng pamahalaan sa inaning palay ng mga magsasaka sa ating bansa.

Sa halip na suspendehin ang importasyon, maghihigpit na lang umano ang gobyerno para matiyak na hindi sobra-sobra at may kalidad ang mga papasok na imported rice.

Hihigpitan din ang pag-issue sa mga import permit tulad ng sanitary at phytosanitary import clearance.

“The country’s rice industry will continue to thrive with the implementation of the programs under the Rice Competitiveness Enhancement Fund which is aimed at making Filipino farmers more efficient and cost productive so they can compete with their counterpart in Southeast Asia,” pahayag ng kalihim.

Tiniyak din ni Dar na magpapatuloy ang Rice Tariffication Law upang magkaroon ng mas mura at di kalidad na bigas para sa lahat ng pamilyang Pilipino.

Para magkaroon din ng kita ang mga lokal na magsasaka, inatasan din ni Duterte ang National Food Authority na bumili ng mas marami pang palay sa mga magsasaka para gawing emergency buffer stock habang ang iba ay ibebenta sa mga palengke.

 

RICE IMPORTATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with