Signal No. 3 itinaas sa 13 bayan dahil sa Typhoon Ramon
MANILA, Philippines — Patuloy na niraragasa ng Typhoon Ramon ang ilang bayan sa hilagang bahagi ng Cagayan habang tinutumbok nito ang kalupaan, Martes.
Kaninang alas-diyes ng umaga, natagpuan ang mata ng bagyong "Ramon" 120 kilometro silangan ng Calayan, Cagayan, at taglay na hanging aabot ng hanggang 120 kilometro kada oras,
Meron naman itong pagbugso na papalo ng hanggang 165 kilometro kada oras at halos hindi gumagalaw sa ngayon.
Posible itong sumalpok sa Babuyan Islands ngayong hapon o gabi.
"Dahil sa land interaction at Hanging Amihan, nakikitang hihina ito oras na mag-landfall," ayon sa PAGASA sa Inggles.
Itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa mga sumusunod na lugar:
- Hilagang bahagi ng Cagayan (Santa Praxedes, Claveria, Sanchez Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Calayan, Camalaniugan, Buguey, Santa Teresita, Gonzaga at Santa Ana)
Samantala, Signal no. 2 naman sa:
- Batanes
- Apayao
- Kalinga
- Abra
- Ilocos Norte
- Ilocos Sur
- nalalabing bahagi ng Cagayan
Nananatili naman ang Signal No. 1 sa:
- hilagang bahagi ng Isabela (Sta. Maria, San Pablo, Maconacon, Cabagan, Sto. Tomas, Quezon, Delfin Albano, Tumauini, Divilacan, Quirino, Roxas, Mallig, San Manuel, Burgos, Gamu at Ilagan City)
- Mountain Province Benguet
- Ifugao
- La Union
- Pangasinan
Dahil sa mga weather system na umiiral sa bansa, makararanas ng katamtaman na may madalas na malalakas na pag-ulan sa:
- Batanes
- hilagang bahagi ng Cagayan (kasama ang Babuyan Islands)
- Apayao
- hilagang bahagi ng Ilocos Norte
Mahihina hanggang katamtaman na may sunud-sunod na malalakas na pag-ulan naman ang matitikman ng:
- Isabela
- Kalinga
- Abra
- mnalalabing bahagi ng Cagayan
- Ilocos Sur
Panibagong LPA magiging bagyo na rin
Habang nasa loob pa ng Philippine area of responsibility ang ang bagyong "Ramon," nakikita na magiging bagyo rin ang low pressure area na natagpuan 720 kilometro silangan mula sa Guiuan, Eastern Samar.
"Ang sama ng panahon na ito ay tinatayang lalakas hanggang maging tropical depression sa susunod na 24 oras," dagdag pa ng PAGASA.
- Latest