^

Bansa

Landfall ni 'Ramon' inaasahan ngayong gabi; bagong LPA nasa PAR na bukas

James Relativo - Philstar.com
Landfall ni 'Ramon' inaasahan ngayong gabi; bagong LPA nasa PAR na bukas
Bukas ng umaga, tinatayang nasa 15 kilometro ang layo nito sa Aparri, Cagayan at pwede pang maging isang severe tropical storm.
Released/PAGASA

MANILA, Philippines — Napanatili ng Tropical Storm Ramon ang lakas nito ngayong umaga habang patuloy na tinutumbok ang Northern Cagayan, ayon sa pinakahuling ulat ng PAGASA.

Sa forecast ng weather bureau, sinasabing posible itong mag-landfall sa naturang lugar mula ngayong gabi o bukas ng umaga.

"'Yung mismong kabuan ng bagyo ay nahahagip na itong parts po of Northern Luzon, lalo na sa may Cagayan and Isabela," ayon sa weather specialist na si Benison Estareja.

"Sila 'yung mga unang nakakaranas na sa ngayon ng malalakas na hangin at malakas na ulan."

Kaninang alas-diyes ng umaga, namataan ang mata ng ni Ramon 160 kilometro silangan hilagangsilangan ng Tugegarao City, Cagayan.

May taglay itong hangin na 85 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na papalo ng hanggang 105 kilometro kada oras, habang kumikilos kanluran hilagangkanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras.

Nakataas naman ang tropical cyclone wind signal no. 2 sa mga sumusunod na lugar:

  • Cagayan (kasama ang Babuyan Islands)
  • hilagang bahagi ng Isabela (Sta. Maria, San Pablo, Maconacon, Cabagan, Sto. Tomas, Quezon, Delfin Albano, Tumauini, and Divilacan)
  • Apayao
  • Kalinga
  • hilagang bahagi ng Ilocos Norte (Pagudpud, Burgos, Bangui, Dumalneg at Adams)

Signal no. 1 naman ang mararanasan sa:

  • Batanes
  • nalalabing parte ng Ilocos Norte
  • Ilocos Sur
  • Abra
  • Mountain Province
  • Ifugao
  • Northern Aurora (Dilasag, Casiguran at Dinalungan)
  • nalalabing bahagi ng Isabela

Ngayong umaga hanggang hapon ngayong araw, makatitikim ng mahihina hanggang katamtaman na may minsanang malalakas na pag-ulan sa silangang bahagi ng mainland Cagayan at Isabela.

Mahihina hanggang katamtaman na may sunud-sunod na malalakas na pagbuhos naman ang madarama sa nalalabing bahagi ng mainland Cagayan at Isanbela, Babuyan Islands, hilagang bahagi ng Aurora, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Abra at Ilocos Norte.

Bukas ng umaga, tinatayang nasa 15 kilometro ang layo nito sa Aparri, Cagayan at pwede pang maging isang severe tropical storm.

Maaari din itong lumabas ng Philippine Area of Responsibility pagsapit ng Huwebes ng umaga at maging low pressure area na lamang kanluran ng Pag-asa Island.

Panibagong LPA

Samantala, binabantayan naman ang pagpasok ng panibagong LPA sa PAR habang binabagtas ng bagyong "Ramon" ang hilagang hangganan ng Cagayan.

Ayon sa PAGASA, nakita ito 1,605 kilometro silangan ng Eastern Visayas kaninang alas-diyes ng umaga.

"Ito po ay mabilis ang pagkilos compared dito sa bagyong 'Ramon,'" dagdag ni Estareja.

"Maaaring bukas ng madaling araw ay nasa loob na ito ng ating PAR."

Tinutumbok daw ito sa ngayon ang silangan ng Luzon, at maaaring dumaan sa Central Luzon, Northern Luzon.

May posibilidad din na dumikit ang sama ng panahon sa Bicol.

LOW PRESSURE AREA

PAGASA

RAMONPH

WEATHER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with