Biodegradable na plastik gagamitin ng SMC
MANILA,Philippines — Ang San Miguel Corporation ang magiging kauna-unahang kompanyang Pinoy na gagamit ng fully-certified biodegradable plastic packaging.
Nagpatulong ang SMC sa Philippine Bioresins Corporation na isang lokal na kompanya na naka-developed ng naturang teknolohiya sa loob ng limang taon.
Ayon kay SMC President at Chief Operating Officer Ramon S. Ang, sa simula ay gagamitin ang biodegradable plastic packaging sa food at non-food products tulad ng sako para sa semento at feeds, grocery bags at iba pang single-use plastic packaging. Mga imbentor na Pilipino anya ang gumawa ng mga ito.
Ang Philippine Bioresins Corporation ay binigyan kamakailan ng Environmental Technology Verification certificate ng Department of Science and Technology (DOST) Industrial Technology Development Institute.
Ang nasabing sertipikasyon ay nagpapatunay na ang biodegradable polypropylene na gawa ng Philippine Bioresins Corporation ay 64.65 percent degraded sa loob ng 24 buwan kumpara sa non-biodegradable plastics na 4.5 percent degraded sa 24 na buwan.
- Latest