^

Bansa

Nur Misuari: Kami na ng MNLF ang bahala sa ISIS

James Relativo - Philstar.com
Nur Misuari: Kami na ng MNLF ang bahala sa ISIS
"Mapagkakatiwalaan mo kami sa problema mo rito... kami na ang bahala. Kasi ang pwersa namin ngayon, 200,000 to 300,000 strong," dagdag ni Misuari.
Presidential Photo/Albert Alcain, File

MANILA, Philippines — Nangako ang tagapagtatag ng Moro National Liberation Front na si Nur Misuari na aasikasuhin ng kanilang grupo ang pagsugpo sa mga nalalabing elemento ng Islamic State of Iraq and Syria sa Mindanao.

Ito ang ibinahagi ni Misuari sa Facebook Live ni Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso ngayong Biyernes, kahit na humaharap siya sa kasong rebelyon dahil sa 2013 Zamboanga seige at graft and malversation noong siya'y gobernador pa ng Autonomous region in Muslim Mindanao.

"Sinabi ko na ata noon kay President [Rodrigo Duterte], 'Bro. Rody, wala sa interes natin magpaligoy-ligoy sa solusyon sa problema,'" wika ni Misuari sa Inggles.

"Kung mas mabilis nating matatapos ang problema sa pagitan natin, mas mainam sa lahat."

 

Matatandaang nagdeklara ng batas militar si Digong sa buong Mindanao noong 2017 matapos ang pakikipagsagupan ng grupong Maute, Abu Sayaff at iba pa laban sa mga tropa ng gobyerno.

Ilan sa pinuno ng nabanggit na grupo ay dati nang naiulat na nanumpa sa teroristang ISIS, ayon sa Armed Forces of the Philippines.

"Mapagkakatiwalaan mo kami sa problema mo rito... kami na ang bahala. Kasi ang pwersa namin ngayon, 200,000 to 300,000 strong," dagdag niya. 

Aniya, alam daw nila ang bawat sulok ng kanilang lupain, kung kawa't wala raw matataguan ang mga terorista.

Bagama't may paksyon si Misuari sa MNLF, sinasabing marami itong umiiral na paksyon sa ngayon.

Mungkahi para sa pederalismo

Samantala, inilahad din niya kay Domagoso ang mga napag-usapan nila noon ni Duterte.

Ilan daw dito ay ang pagre-"reconfigure" ng territoriality ng buong bansa, bilang bahagi ng usaping pangkapayapaan.

Pebrero taong 2019 nang banggitin ng presidente na pinaplano niyang lumikha ng bagong peace agreement kasama ang MNLF, matapos mabuo ang Bangsamoro Transition Authority.

"[S]inabi ko dapat nating gawing sarili nitong federal state ang Luzon. Tapos isa pang federal state para sa Visayas. At para sa Mindanao, o Bangsamoro, isa pang federal state," paliwanag niya.

Ang pagkakahating ito raw ang magiging suwestyon niya sa plano ng gobyerno na magbago ng sistema mula unitary patungong pederal.

Pero hindi naman daw dapat hayaan na masyadong mahiwalay ang Luzon, Visayas at Mindanao sa isa't isa.

Kabilang ang pagsusulong ng pederalismo, o pagbibigay ng mas malaking awtonomiya sa mga estado para lumikha ng mga polisiya, sa mga naging campaign promise ni Duterte noong tumatakbo pa sa pagkapresidente noong 2016.

Sa kabila nito, makailang-ulit nang sinabi ni Duterte na wala na sa layunin niya ang paglikha ng pederalismo sa Pilipinas: "Kung ayaw niyo ng pederalismo, sige, pero palitan ang Saligang Batas na magbabago sa bansa," sabi niya noong Hunyo.

Sinabi na rin noon ni Digong na nagbanta na si Misuari ng gera oras na hindi matuloy ang shift tungong federalism.

"Sabi ni Misuari kagabi, 'Kung hindi mo 'yan ibibigay sa akin, tatapatin kita: Gera na lang tayo," sabi niya noong Marso. — may mga ulat mula kay The STAR/Marc Jayson Cayabyab

FEDERALISM

ISIS

ISKO MORENO

NUR MISUARI

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with