^

Bansa

29 na nalindol sa Cotabato nalason sa pagkaing idinonate

Philstar.com
29 na nalindol sa Cotabato nalason sa pagkaing idinonate
Kuha ng ilang residenteng inililikas sa lindol sa Makilala, Cotabato.
File

MANILA, Philippines — Mahigit 30 internally displaced persons na apektado ng sunud-sunod na lindol sa Mindanao ang humarap na naman sa panibagong sakit ng ulo, at tiyan, matapos makatanggap ng pagkain sa Makilala, Cotabato.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council spokesperson Mark Timbal, nangyari ang insidente noong Lunes, ika-4 ng Nobyembre, sa isang evacuation center sa Barangay Malabuan.

"Kumain sila ng pastel na may kasamang itlog na hindi na maganda ang amoy," sabi ni Timbal sa Inggles, Martes.

"Matapos ang apat hanggang limang oras, nagreklamo ang [29] pasyente ng pananakit ng tiyan, pagkahilo at pagsusuka."

Ang ilan sa kanila ay hindi na rin daw napigilan ang pagtatae.

Sa impormasyong nakalap ng Philippine Integrated Diseaese Surveillance and Response - Department of Health, kumain sila diumano ng mga pagkaing idinonate ng ilang grupo mula sa Midsayap, Cotabato.

Agad namang rumesponde ang Rural Health Unit, DOH at medical teams sa tawag, ani Timbal.

Sabi ni Department of Civil Defense Assistant Secretary Casiano Monilla, na siya ring deputy administrator for operations ng OCD, "19 ang dinala sa hospital, 10 ['y]ung na-treat sa RHU Makilala."

Sa ulat ng CNN Philippines, sinabi na ipinagbabawal na ang basta-bastang pamimigay ng pagkain sa mga quake-affected residents matapos ang nangyaring food poisoining.

Checkpoint sa mga relief ops

Una nang sinabi ni Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana na inatasan na niya ang militar na magtayo ng mga checkpoint sa lahat ng mga kalsadang patungo sa mga disaster area para masigurong "tanging accredited at lehitimong relief groups at indibidwal lang ang makapupunta roon."

Ang ginawang 'yan ni Lorenzana, binanatan naman ng Communist Party of the Philippines.

"Sa panahon ng krisis, lahat ng tulong ay kailangan, hindi lang 'yung kung anong papayagan ni Lorenzana," sabi ni Marco Valbuena, public information officer ng CPP, noong linggo sa Inggles.

Wika ni Valbuena, ginagawa ito ng DND para ipataw pa rin ang kontra-insurhensyang pag-iisip maging sa relief work: "Gusto niya, kontrolin ng militar ang lahat."

"Pahihirapan nito ang maraming tao, organisasyon at ahensya na mag-ambag para makatulong sa earthquake victims."

Sa panayam ng PSN, sinabi ni Valbuena na tutulong sila ng New People's Army sa relief operations at muling pagtatayo ng mga nagibang bahay.

COTABATO

EARTHQUAKE

FOOD POISONING

MAKILALA

NDRRMC

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with