^

Bansa

'Mas kaonti pala': Bilang ng sugatan sa Mindanao earthquake ni-rebisa

James Relativo - Philstar.com
'Mas kaonti pala': Bilang ng sugatan sa Mindanao earthquake ni-rebisa
Kapansin-pansing bumaba ang bilang ng sugatan sa 424, gayong 432 ang iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council kahapon, Linggo.
AFP/Geonarri Solmenaro

MANILA, Philippines — Patuloy na naglalabasan ang mga numero kaugnay ng pinsalang idinulot ng magnitude 6.6 at 6.5 na lindol sa Mindanao noong nakaraang linggo, pero hindi lahat ng datos ay umaakyat — ang iba ay bumababa.

Kapansin-pansin kasing bumaba ang bilang ng sugatan sa 424, gayong 432 ang iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council kahapon, Linggo.

"Ang pagbaba sa bilang ng sugatan ay dahil sa validation at verification ng [Office of Civil Defense sa Davao Region]," sabi ng ahensya sa panibago nilang situation report Lunes ng umaga sa Inggles.

Ika-29 at ika-31 ng Oktubre nang tumama ang ilang malalakas na lindol sa katimugang kapuluan ng Pilipinas, kung saan umabot pa sa mapaminsalang Intensity VII ang pag-uga ng lupa.

Maliban sa mga sugatan, nanatili sa 22 ang patay habang dalawa pa rin ang nawawala sa nasabing insidente na nagmula sa Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao or BARMM.

Sa ngayon, umaabot na sa 188,533 katao ang apektado ng mga lindol, mas mataas sa naunang 178,305 na lumabas kahapon.

Nasa 24,000 ang nananatili ngayon sa 34 evacuation centers, habang 7,465 naman ang wala roon.

Napinsala naman ang 29,453 istruktura, karamihan mga bahay, pagamutan at ba pang gusali, mula sa naunang ulat na 28,951.

Sa bilang na ito 21,144 ang tuluyang nawasak habang 8,309 naman ang bahagya lang ang tinamong damage.

Umabot na sa P25,899,210.20 ang tulong na iniabot ng Department of Social Welfare and Development, Department of Health at OCD sa mga nasalanta.

COTABATO QUAKE

EARTHQUAKE

MINDANAO

MINDANAO EARTHQUAKE

NDRRMC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with