^

Bansa

Budget bill ng Kamara gagamitin ng Senado

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Posibleng i-adopt na lamang ng Senado ang 2020 budget bill ng Kamara upang mapabilis ang pagsasabatas nito at maiwasan ang anumang amyenda.

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, nasabi na niya ang panukalang ito kina Senate President Vicente Sotto III at Senate Minority Leader Franklin Drilon na kinukunsidera naman ito.

Wala namang nakikitang iregularidad si Lacson sa inaprubahang House version bukod sa ginawang P9.5-billion institutional amendments ni Speaker Alan Peter Cayetano.

Aniya, may napansin lamang siyang hindi malinaw na items sa National Expenditure Program pero hindi makukunsiderang pork na nagkakahalaga ng P20 bilyon.

Sinabi pa ni Lacson na magiging mapagbantay ang mga senador sa bicameral conference committee deliberations ng budget dahil dito nangyayari ang individual amendments ng mga kongresista.

Aniya, dapat isapubliko agad ng mga kongresista kung may gagawin silang amyenda sa budget sa bicameral conference committee.

BUDGET BILL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with