^

Bansa

Pinas ‘friends to all, enemies to none’ - Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

Paiiralin sa ASEAN Summit

MANILA, Philippines — Ipapatupad ni Pa­ngulong Duterte ang “Friends to all, enemies to none” policy ng admi­nistrasyon sa pagdalo nito sa 35th ASEAN Leaders’ Summit sa Thailand.

Ito ang sinabi Presidential Communication Sec. Martin Andanar nang matanong kung mayroon bang nakikitang panganib o hindi magandang epekto sa relasyon ng Pilipinas sa China sakali man na hindi maisapinal sa lalong madaling panahon ang Code of Conduct of Parties in the South China sea.

Ayon kay Andanar, ang relasyon ng Pilipinas sa China ay multi-faceted at hindi naman limitado lamang sa isang aspeto partikular sa isyu ng teritoryo.

Halimbawa na rito ang kooperasyon ng dalawang bansa sa area ng kalakalan, investment, turismo at people to people exchanges.

Idinagdag pa ni Andanar, habang nagpapatuloy ang diskusyon at pagsasapinal ng ASEAN Community at China sa mekanismo ng COC, magpapatuloy din ang cultural exchange ng dalawang bansa, ma­ging ang partnership nito upang labanan ang ilegal na droga, terorismo at human trafficking.

Ang Pilipinas umano, bilang country coordinator ng ASEAN sa China ay mas magpupursige sa pagpapanatili ng good environment para sa final approval at implementasyon ng COC.

DIGONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with