‘Wag nang makisawsaw sa Barretto issue - CBCP
MANILA, Philippines — Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP)-Episcopal Commission on Seminaries sa publiko na huwag nang makisawsaw sa issue ng pamilya Barretto at itigil na ang pakikitsismis sa showbiz, sa halip ay tutukan ang mas mahahalagang isyu na kinakaharap ng bansa.
Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, nahaharap sa tunay na krisis ang bansa na umaapekto sa mamamayan at ito ang dapat na higit pagtuunan ng pansin sa halip na tsismis sa showbiz.
Aniya, dapat harapin ng mamamayan ang kasalukuyang sitwasyon ng bansa na nagpapahirap sa mga Filipino upang makahanap ng mga hakbang na masugpo at mapigilan ang paglawak ng epekto nito sa lipunan.
Umaasa ang Obispo na mamulat at mabahala ang mamamayan sa laganap na paglapastangan sa kalikasan gayundin sa lipunan.
- Latest