^

Bansa

Tatak ng 3 pork products na may African swine fever ipinabubulgar

Philstar.com
Tatak ng 3 pork products na may African swine fever ipinabubulgar
Dahil hindi tinukoy ang mga brands, nababahala ang Philippine Association of Meat Processors Inc. dahil maaaring maapektuhan daw ang kanilang kabuhayan. 
File

MANILA, Philippines — Ipinalalantad ng isang grupo meat processors ang pangalan ng mga kumpanyang pinagmulan ng pork products na nagpositibo kamakailan sa African swine fever.

Kinumpirma kasi ng clinical laboratory report ng Bureau of Animal Industry na tatlong meat samples ang nakitaan ng ASF gamit ang real time polymerase chain reaction test.

Sa kabila nito, hindi binanggit ng BAI kung ano ang tatak ng mga produktong hotdog, longganisa at tocino na kontaminado.

Dahil hindi tinukoy ang mga brands, nababahala ang Philippine Association of Meat Processors Inc. dahil maaaring maapektuhan daw ang kanilang kabuhayan. 

"Unfair nga po, very unfair 'pag walang brand na ime-mention kasi lahat tatamaan. Sa totoo lang hindi kami maka-respond. Wala kaming hawak [na impormasyon]," sabi ni Rex Agarrado, spokesperson ng PAMPI sa panayam ng DZMM.

Tiniyak naman ni Agarrado na sineseryoso nila ang usapin sa ngayon: "Respetuhin natin ang isa't isa, kami po ang bigyan ninyo [ng impormasyon], kami po ang apektado," sabi niya sa magkahalong Inggles at Filipino. 

Ang ASF ay walang epekto sa kalusugan ng tao ngunit lubhang nakamamatay sa mga baboy, na maaaring puminsala nang husto sa local hog industry ng Pilipinas.

Una nang sinabi ng grupong Samahang Industriya ng Agrikultura na maaaring imported ang mga nasabing produkto at hindi nasuri nang husto.

"Iyong checking ng kargamento, hindi ginagawa sa pier. Nagbubukas lang sila, sarado aga tas inilalabas na. Dapat sa first border pa lang, chini-check na ito," sabi ni Rosendo So, chairperson ng Sinag.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi rin ng grupong pang-agrikultura tila hindi madaling mapuksa ang sakit kahit idinaan sa ilang proseso ang karne.

"Ipinakikita lamang nito na hindi basta-basta napapatay ang ASF virus matapos dumaan sa heat treatment," sabi ng Sinag.

Pero ayon sa PAMPI, 90 hanggang 95% ng karneng ginagamit sa kanilang produkto ay inaangkat sa mga bansang walang ASF at pumapasa naman sa pamantayang pandaigdigan.

Ngayong linggo, matatandaang ipinag-utos ng Department of Interior and Local Government ang "movement, distribution" at pagbebenta ng mga processed meat products taliwas sa utos ng mga lokal na gobyerno pagdating sa pagbabawal nito bilang pananggala sa ASF.

Ginawa ito ng DILG matapos magbabala ng PAMPI na mahigit P50 bilyong pagkalugi ang mawawala sa kanilang mga miyembro kung patuloy silang haharangan pagpasok sa mga probinsya, lalo na't papasok na ang Kapaskuhan.

Una nang ibinunyag ng Department of Agriculture na nakapaasok ang ASF sa Rizal, Pampanga, Pangasinan, Quezon City, Cavite at Nueva Ecija.

Simula noong Agosto, pumalo na sa 62,000 baboy ang pinatay ng DA.

'I-quarantine muna'

Simula nang ipatupad ang Food Safety Act of 2013, iniayon ng Pilipinas ang national sanitary at phytosanitary border measures nito sa "quarantine first police," na pamantayan ngayon sa mundo.

Dahil dito, kinakailangan munang dumaan sa cargo inspection at clearance procedures ng DA at Department of Health ang lahat ng pagkain pagpasok ng mga port upang mapatunayang sumusunod sa mga regulasyon.

"Lahat ng mga container na may inaangkat na baboy at pork byproducts ay kinakailangang suriin 100% sa port pagpasok nito," sabi pa ng Sinag.

"Hindi kami mangingiming magkaso sa Ombudsman at iba pang korte sa mga magpapabaya at hindi magpapatupad ng quarantine first policy."  — may mga ulat mula kay The STAR/Louise Maureen Simeon

AFRICAN SWINE FEVER

BUREAU OF ANIMAL INDUSTRY

PHILIPPINE ASSOCIATION OF MEAT PROCESSORS INC.

PORK

SAMAHANG INDUSTRIYA NG AGRIKULTURA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with