Quake victims inayudahan ni Go
MANILA,Philippines — Binisita at binigyan ng tulong pinansiyal, grocery packs at mga gamit ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go ang mga residente ng central at southern parts ng Mindanao na napinsala ng 6.3-magnitude earthquake noong Oktubre 16.
Unang dinalaw ni Go ang Tulunan, North Cotabato, ang epicenter ng lindol, saka nagtungo sa Magsaysay, Davao del Sur kung saan namatay ang isang 22-anyos na ina at ang kanyang 9-buwang sanggol matapos magkaroon ng pagguho ng lupa.
Sinamahan ang senador ng mga kinatawan ng National Housing Authority (NHA), Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) para mamahagi ng karagdagang ayuda sa mga biktima ng lindol.
Ayon kay Go, ang NHA ay tutulong sa pagtatayo o pagre-repair ng mga bahay na nasira ng lindol.
Nangako rin siya sa mga residente ng mga kalapit na probinsiyang naapektuhan din ng lindol na tutulungan sila ng pamahalaan.
- Latest