^

Bansa

Pekeng kandila naglipana

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA,Philippines — Nagbabala kahapon si Sen. Imee Marcos sa mga mamimili na maging mapanuri at maingat sa bibilhing mga kandila na gagamitin para sa undas upang hindi makabili ng peke o mahinang klase.

Ayon kay Marcos, naglipana ngayon sa mga palengke at tindahan ang mga mahihinang klase o pekeng kandila na kadalasan ay mabilis na matunaw at may maitim na usok kapag nasisindihan na.

Sinabi ni Marcos, sa halip na purong paraffin wax ang gamitin sa paggawa ng kandila, pawang gamit o mga natunaw na mga kandila na kinokolekta sa mga pinagtirikan sa puntod sa loob ng sementeryo ang ginamit dito.

Bukod sa mga kinokolektang natunaw na mga kandila, meron din aniyang mga namimiling negos­yante sa loob ng sementeryo na pinapakyaw ang mga naipon at nakukuhang tunaw na kandila, at saka ibebenta nang mas mahal.

vuukle comment

KANDILA

PEKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with