2-year probi supalpal sa Senado
MANILA,Philippines — Tiniyak na kahapon ng ilang senador na hindi papasa sa Senado ang panukalang batas ng isang kongresista na naglalayong palawigin ng dalawang taon ang kasalukuyang 6 na buwang probationary period sa mga empleyado.
Ayon kay Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, ang nasabing panukala ay posibleng maging daan para sa maraming pang-aabuso.
Sinabi pa ni Pangilinan na ang seguridad sa pagagawa ay pinoprotektahan ng Konstitusyon.
Kung pahahabain aniya ang probationary period, tatlong beses na hahaba ang panahon na ipagkakait sa mga empleyado ang karapatan na maging permanente sa trabaho.
Sinabi naman ni Senator Imee Marcos na sapat na ang tatlo hanggang anim na buwan para sa trial period ng mga manggagawa.
Nauna rito, tiniyak rin ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na malabong pumasa ang panukala sa Senado.
- Latest