Pakikiramay sa pagpanaw ni Pimentel bumuhos
Manila, Phillipines — Kasabay ng pagpanaw ni dating Sen. Aquilino “Nene” Pimentel Jr. ay bumuhos din ang pagdadalamhati mula sa ilang personalidad sa pulitika.
Sa isang pahayag, nagpasalamat ang Malacañang kay Pimentel sa “long, fearless and principled track record” nito sa larangan ng serbisyo publiko.
Kinilala naman ni Vice President Leni Robredo ang naging ambag ni Pimentel sa pagtataguyod ng karapatang pantao.
Ikinalungkot din ni Senate President Vicente Sotto ang pagpanaw ni Pimentel na ilang termino ding naglingkod na lider ng Senado.
Para naman kay Senate majority leader Juan Miguel Zubiri, malaking kawalan sa Mindanao at sa buong bansa ang pagpanaw ni Pimentel.
Inalala naman ni Sen. Sherwin Gatchalian ang pagtataguyod ni Pimentel sa Local Government Code of 1991.
- Latest