^

Bansa

Minimum wage sa mga mambabatas itinulak 'para kahirapan maintindihan'

James Relativo - Philstar.com
Minimum wage sa mga mambabatas itinulak 'para kahirapan maintindihan'
Sa kanilang "minimum wage challenge," sinabi ni Gabriela Women's party-list Rep. Arlene Brosas na dapat itong maipatupad para malaman nila nang personal kung sapat ang kasalukuyang kita ng mga nasa laylayan para tugunan ang pang-araw-araw nilang pangangailangan.
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Matapos ang #CommuteChallenge na idinirehe sa tagapagsalita ng presidente matapos sabihing walang krisis sa transportasyon ang bansa, panibagong hamon naman ang itinutulak ngayon ng mga militante para maintindihan ng mga pulitiko ang danas ng karaniwang Pilipino.

Sa kanilang "minimum wage challenge," sinabi ni Gabriela Women's party-list Rep. Arlene Brosas na dapat itong maipatupad para malaman nila nang personal kung sapat ang kasalukuyang kita ng mga nasa laylayan para tugunan ang pang-araw-araw nilang pangangailangan.

"Kahit ang senador at mga kongresista, minimum wage natin para nang sa ganoon, eksakto. Magkano ang pamasahe, magkano ang pangkain magkano ang lahat," ani Brosas sa ulat ng CNN Philippines.

Pahayag ng militanteng kongresista, malaki ang maitutulong nito upang mailapit ang kanilang sikmura at interes sa kanilang mga nasasakupan.

"Paano tayo magiging grounded kung doon pa lang sa pagsakay sa public transpo, hindi natin nagagawa?" dagdag ni Brosas.

Nasa Salary Grade 31 ang mga miyembro ng Kongreso, o sumusuweldo ng nasa P117,086 kada buwan bukod pa sa mga allowance na nakukuha nila.

Narito ang minimum na pasahod sa iba't ibang rehiyon ng bansa sa kasalukuyan, ayon sa National Wages and Productivity Commission:

  • NCR: 500.00 - 537.00
  • CAR: 300.00 - 320.00
  • REGION I: 273.00 - 340.00
  • REGION II: 320.00 - 360.00
  • REGION III: 284.00 - 400.00
  • REGION IV-A: 303.00 - 400.00
  • REGION IV-B: 294.00 - 320.00
  • REGION V: 310.00
  • REGION VI: 295.00 - 365.00
  • REGION VII: 313.00 - 386.00
  • REGION VIII: 285.00 - 315.00
  • REGION IX: 303.00 - 316.00
  • REGION X: 331.00 - 365.00
  • REGION XI: 381.00 - 396.00
  • REGION XII: 290.00 - 311.00
  • REGION XIII: 320.00
  • BARMM: 270.00 - 280.00

Pagko-commute tuwing Lunes isasabatas?

Samantala, iminungkahi ng isang mambabatas na gawin nang pormal ang pagpapa-commute sa mga divisions chiefs, kalihim ng Gabinete at mga inihahalal na opisyal ng gobyerno tuwing Lunes.

Nababatikos ngayon ang ilang opisyal ng pamahalaan sa mga pahayag na "walang krisis sa transportasyon" dahil hindi naman daw nila alam ang totoong danas ng mga komyuter.

Ika-12 ng Oktubre nang sabihin ni Iligan Rep. Frederick Siao na ihahain niya ang Public Servants' Commuting via Public Transport Act sa Kamara.

"Kapag naisabatas po ito, makakaasa po ang publiko na mas mamadaliin naming mga government officials na solusyunan ang problema sa transportasyon," ani Siao.

Tuwing Lunes, maganda raw na mailagay sa mga motor pools ang mga sasakyang ginagamit pangsundo at paghahatid sa mga public officials.

"Etong mga ranking civil servants dapat pumili sa sumusunod: tricycle, jeepney, bus, FX/UVs, light rail, [Philippine National Rail] trains at TNVS units," dagdag niya sa Inggles.

"Kung gustong magbisikleta, pwede rin. Tuwing Monday lang naman."

Sa pamamagitan nito, libu-libong government vechicles na raw ang mawawala sa kalsada, na makatutulong sa pagpapaluwag nito.

Ikinatuwa naman ni Brosas ang plano ni Siao at sinabing pabor siya rito.

Paliwanag ni Brosas, na bahagi ng maka-Kaliwang Makabayan bloc, sanay naman ang mga gaya niya na mag-commute. — may mga ulat mula sa The STAR

COMMUTE

GABRIELA WOMEN'S PARTY-LIST

HOUSE OF REPRESENTATIVES

MINIMUM WAGE

SENATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with