^

Bansa

Bitay panakot ng ‘ninja cops’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbabala  si Buhay Rep. Lito Atienza na baka gamiting panakot ng ‘ninja cops’ para makapangikil ang pagbabalik ng parusang kamatayan sa mga krimeng may kaugnayan sa droga. Ipinaliwanag ni Atienza na ang mga gawaing criminal ng mga ‘ninja cops’ (pulis na nagre-recycle at nagbebenta ng nakukumpiskang mga droga) ay isang malakas na argumento laban sa pagbalik sa parusang kamatayan.  “Bawat mamamayan ay potensiyal na mataniman ng ebidensiyang droga at makikilan ng mga iskalawag na pulis na ito na iligal na nag-iimbak ng mga nakukum­piskang droga at ang tila tanging motibasyon ay gamitin ang kanilang kapangyarihan para sila magkapera,” sabi pa ni Atienza. Sinabi ni Atienza na hindi malayong gamiting panakot ng ‘ninja cops’ ang death penalty para makapangotong sa nais nilang maging biktima sa sandaling pagtibayin ng Kongreso ang panunumbalik ng death penalty.

 

BITAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with