Bible reading sa public elementary, HS isinulong
MANILA, Philippines — Isinusulong ni House Minority leader at Manila Rep. Benny Abante Jr. ang mandatoryong Bible reading sa lahat ng pampublikong elementary at secondary schools sa buong bansa.
Sa House Bill 2069 ni Abante, layon nito na maging polisiya at gabay sa mga tao ang pagbabasa ng Bibliya lalo na sa mga susunod na lider ng bansa patungo sa daan na matuwid.
Giit pa ng lider na isa rin senior pastor ng Metropolitan Bible Baptist Ekklesia, na ang Pilipinas lang ang tanging Kristiyanong bansa sa Asya, subalit bigo ito na i-appreciate ang kahalagahan ng kapangyarihan ng Bibliya.
Kung nababasa lamang umano ang Bibliya at isinasagawa ay magiging maayos ang bansa at ang gobyerno ay magiging matapat, matuwid at maayos ang pamamahala.
Sa ilalim ng panukala, isasama sa English at Filipino subjects sa pampublikong elementary at secondary schools sa bansa gayundin sa mga diskusyon at eksaminasyon ang Bibliya.
- Latest