Gobyerno sinisi ng WHO sa tigdas, polio
MANILA, Philippines – May kapabayaan din ang pamahalaan sa pagtaas ng kaso ng tigdas at panunumbalik ng sakit na polio sa Pilipinas. Ito ang tinukoy mismo ng World Health Organization (WHO) bunsod ng sunud-sunod na kaso ng mga ito sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay WHO Country Representative Rabindra Abeyasinghe, hindi lamang maaaring isisi sa pagtanggi ng mga magulang na mabakunahan ang kanilang mga anak ang pagkakaroon ng measles at polio outbreak sa bansa.
Aniya ito ay bunsod ng mga maituturing na logistical challenges sa panig ng pamahalaan tulad ng kakulangan o kawalan ng stocks ng mga bakuna sa mga health facilities sa bansa lalo na sa mahihirap na lugar.
- Latest