^

Bansa

Misis na puwersahang kukuha ng sahod ni mister makakasuhan ng economic abuse

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Maaring makasuhan ng economic abuse ang mga misis na mag-oob­liga o puwersahang ku­kuha sa sweldo ng kanilang mga mister.

Nakasaad ito sa House Bill 4888 ni Rizal Rep. Fidel Nograles na aamyenda sa Anti-Violence Against Women and Their Chief Act of 2004 na naglalayong bigyang proteksyon din ang mga kalalakihan laban sa pang-aabuso sa kanila ng kanila mismong asawa o partners.

Bukod sa pisikal at emosyonal na pang-aabuso ay binibigyang karapatan din sa natu­rang panukala ang mga lalaki sa kanilang sweldo at kung pipilitin itong ibigay nang buo ang kanyang sahod at pagkuha ng ATM card kung nasaan ang sweldo na wala nang maiiwan sa kanyang sarili ay maaari itong magsampa ng kasong economic abuse.

Paliwanag naman ni Nograles na hindi anti-women ang kanyang panukala kundi nagsusulong ng gender equality.

Sa pagpapraktis umano ng kanyang propesyon bilang abogado ay may marital problems siyang nahawakan kung saan sa 100 couples ay may 12 hanggang 15 ang kaso ng naabusong asawang lalaki o male partners.

Iginiit pa ng kongresista na hindi lamang nailalantad ang mga ganitong pang-aabuso sa mga kalalakihan su­balit sa oras na maisabatas ang pagbibigay proteksyon sa mga kala­lakihan ay tiyak na malalantad din sa publiko na may ganitong realidad.

ECONOMIC ABUSE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with