^

Bansa

Dahil sa sirang LRT-2, libreng sakay sa bus ibibigay ng MMDA

James Relativo - Philstar.com
Dahil sa sirang LRT-2, libreng sakay sa bus ibibigay ng MMDA
"Handang magserbisyo nang libre sa mga pasahero ang bus na hatid ng MMDA mula Santolan footbridge para maidala sila sa Cubao," sabi ng LRT-2 sa isang pahayag sa Inggles.
The STAR/Miguel De Guzman, File

MANILA, Philippines — Maaaring makinabang sa libreng sakay ng Metropolitan Manila Development Authority ang mga komyuter ng Manila Light Rail Transit System Line 2 bilang tugon sa aberyang dinadanas ng linya ng tren sa ngayon.

Matatandaang nagkasunog sa carriageway ng LRT-2 kahapon matapos mapatid ang "rectifier substation 5" na nasa Katipunan station.

"Handang magserbisyo nang libre sa mga pasahero ang bus na hatid ng MMDA mula Santolan footbridge para maidala sila sa Cubao," sabi ng LRT-2 sa isang pahayag sa Inggles.

Wala munang biyahe sa buong linya ng LRT-2 ngayong Biyernes buhat ng insidente.

Sa pahayag na inilabas kahapon ng Light Rail Transit Authority, ang nagmamay-ari at humahawak ng operations and maintenance ng LRT-2, sinabi na agad silang nagpatawag ng pulong para makapagsagawa agad ng imbestigasyon.

"Ang primaryang problema namin ngayon ay kung gaano kalala ang pinsala para masiguro ang integridad, stability at kabigtasan ng mga istruktura at pasilidad ng LRTA," ayon kay LRTA administrator Gen. Reynaldo Berroya.

Kasalukuyang tumatakbo sa 11 istasyon ang LRT-2, mula Santolan sa Marikina hanggang Recto sa Maynila.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagtatayo ng east extension project ng LRT-2, na magtatayo ng karagdagang Emerald station sa Marikina at Masinag station sa Antipolo.

Unang tinarget na matatapos ang LRT-2 East Extension Project noong Agosto 2018 ngunit hindi pa rin natatapos magpasahanggang ngayon.

FREE BUS RIDE

LRT-2

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with