^

Bansa

Sunog naitala malapit sa LRT-2 Katipunan station; operasyon suspendido

James Relativo - Philstar.com
Sunog naitala malapit sa LRT-2 Katipunan station; operasyon suspendido
Matatandaang naperwisyo rin ng parehong linya ang mga komyuter kahapon nang huminto ang operasyon nito Miyerkules ng umaga, kasunod ng aberyang dinanas ng Manila Metro Rail Transit System Line 3.
RAHA Volunteers Fire Department

MANILA, Philippines — Bago magtanghali, muling naitigil ang pagtakbo ng mga tren ng Manila Light Rail Transit System Line 2 ngayong Huwebes kasunod ng nangyaring sunog sa kanilang linya.

Bandang 11:24 a.m. nang suspindihin ng Light Rail Transit Authority ang operasyon ng linya.

"The fire that was seen along the carriageway between Anonas & Katipunan stations was caused by the tripping off of Rectifier Substation (RSS) 5 located at Katipunan station," ayon sa pamunuan ng LRT-2.

Magpahanggang sa ngayon, iniimbestigahan pa raw ang puno't dulo ng nangyari.

Kinumpirma rin ng LRTA na naapula na ang sunog sa ngayon: "[A]s of writing, said fire has been contained."

Humingi naman sila ng paumanhin sa lahat ng naabala ng insidente.

Matatandaang naperwisyo rin ng parehong linya ang mga komyuter kahapon nang huminto ang operasyon nito Miyerkules ng umaga, kasunod ng aberyang dinanas ng Manila Metro Rail Transit System Line 3.

Samantala, isinara rin kanina ang Balintawak at Roosevelt stations ng LRT-1 dahil sa dinadanas na "mechanical issues."

Kumpara sa MRT-3 at LRT-1, na parehong pribadong kumpanya ang nagmamay-ari, kapansin-pansin na mas kaonti ang naitatalang pagkasira ng LRT-2.

Nangyayari ang lahat ng ito kasabay ng pagdinig ng Senate Finance Committee sa panukalang budget ng Department of Transportation ngayong araw.

FIRE

LRT-2

RAILWAYS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with