Batanes, Babuyan Islands nasa Signal No. 1 habang palabas si 'Onyok'
MANILA, Philippines — Kung hindi magbabago ang direksyon ng typhoon "Onyok," tinatayang lalayo na ito nang tuluyan mula sa bansa bago mag-Martes.
"Posibleng mamayang gabi ay tuluyan na itong lalabas ng northern boundery ng ating Philippine Area of Responsibility," ayon sa pinakahuling ulat ni Chris Perez, senior weather specialist ng PAGASA.
Natagpuan ang mata ng bagyo 200 kilometro hilaga hilagangsilangan ng Basco, Batanes kaninang alas-diyes ng umaga.
Napanatili ng bagyo ang kanyang lakas mula kaninang madaling araw.
Ang bagyo, na may international name na "Mitag", ay may taglay na maximum wind speeds na hanggang 120 kilometro kada oras.
Umaabot din ng hanggang 150 kilometro kada oras ang bugso nito.
Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number one Batanes at Babuyang Group of Island.
"[Ang] mga areas na nasa dulong hilagang Luzon ay inaasahang posibleng makaramdam ng mga hangin na may lakas na mula 30 hanggang kilometers per hour," dagdag ni Perez.
Ang mga rainbands ng bagyong Onyok ay magdadala ng paminsan-minsan mahihina hanggang katamtaman na may sunud-sunod na malalakas na pag-ulan sa Batanes.
Posible rin ang Kalat-kalat na rain showers sa gitna ng thunderstoms sa Ilocos Norte, Apayao at Cagayan (kasama ang Babuyan Islands).
- Latest