^

Bansa

St. Luke's Medical Center nagsalita sa 'notice of strike' ng mga empleyado

James Relativo - Philstar.com
St. Luke's Medical Center nagsalita sa 'notice of strike' ng mga empleyado
"Alam na alam ng SLMC management ang ang obligasyon nito sa kanyang mga empleyado at kumikilos ito alinsunod sa direksyong itinakda ng DOLE," sabi ng ospital sa isang pahayag na ipinadala Huwebes ng gabi.
Wikimedia Commons/Patrickroque01

MANILA, Philippines — Pormal nang naglabas ng pahayag pamunuan ng St. Luke's Medical Center sa Bonifacio Global City, Taguig kaugnay ng napipintong welga ng ilan nilang empleyado.

Inaakusahan kasi ng St. Luke’s Medical Center (BGC) Employees Union – Independent ang ospital na binalewala ang utos ng Department of Labor na payagang makapagdaos sila ng certification election, para makapamili ng representante sa collective bargaining negotiation.

Pero paliwanag ng ospital, kwinekwestyon pa kasi ng St. Luke's Medical Center Global City Employees Association — Alliance of Filipino Workers ang pag-apruba ng DOLE sa CE:

"[W]ala pang desisyon na inilalabas ang DOLE Secretary kaugnay nito habang sinusulat ang pahayag na ito," sabi nila sa Inggles.

Sa ngayon, nasa SLMC(GC) Employees Association — AFW pa raw ang "majority status" ng incumbent sole and exlusive bargaining agent.

"Ang SLMC ay walang kaugnayan sa bangayan na nagaganap sa pagitan ng dalawang unyon, ang independent union at incumbent SEBA," dagdag nila. 

Dagdag pa nila, kinikilala naman ng ospital ang direksyong itinakda ng DOLE pagdating sa CE na inihain ng independent union bago mag-expire ang collective bargaining agreement ng 2019.

"Nirerespeto ng ospital ang posisyon ng mga partidong nabanggit at hindi nilalayong palalain pa ang inter-union concerns," panapos ng statement.

"Alam na alam ng SLMC management ang ang obligasyon nito sa kanyang mga empleyado at kumikilos ito alinsunod sa direksyong itinakda ng DOLE."

Una nang sinabi ng independent union na may nagaganap na sabwatan sa pagitan ng management at AFW upang "ipuslit ang isang kaduda-dudang CBA at patuloy na manatili sa puwesto ang nasabing pederasyon," sabi ni Sherwin Moscosa, presidente ng independent union noong Huwebes.

Dagdag pa nila, layon ng dalawang partido na manatili ang AFW sa pwesto at "humaning ng milyun-milyong piso mula sa butaw at mga special assessments o bayarin mla sa CBA."

"Ang kalayaan naming mga empleyado na maghalal ng unyon na kakatawan sa aming interes bilang mga manggagawa ay niyurakan at nilabag ng management ng St. Luke’s nang piliin nitong makipag-negotiate sa [AFW]," ani Moscosa.

BONIFACIO GLOBAL CITY

LABOR STRIKE

ST. LUKE'S MEDICAL CENTER

TAGUIG

TRADE UNION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with