^

Bansa

Heinous crime convicts ihiwalay ng selda - Go

Pilipino Star Ngayon
Heinous crime convicts ihiwalay ng selda - Go
Sa Senate Bil 1055 o An Act Establishing a Separate Facility for Pri­soners Convicted of Heinous Crimes, magtatayo ng hiwalay na maximum penal facilities sa ligtas at malayong lokasyon para matiyak na mawawalan sila ng kontak sa labas ng kulungan.
Efigenio Toledo IV

MANILA, Philippines – Suportado ni Sen. Bong Go ang panukala sa Senado na ihiwalay ng kulungan ang mga nahatulan sa karumal-dumal na krimen.

Ito ayon kay Go, ay upang matiyak na hindi magiging banta sa lipunan at kapwa inmates ang mga heinous crime convicts habang nasa piitan.

Mas mabuti na aniya ito habang hinihintay na muling maisabatas ng Kongreso ang pagbuhay sa parusang kamatayan.

“It is the same reason that I am pushing for death penalty. In the absence of that, I support the proposal for a separate facility to ensure that they will not be a threat to society or to their fellow inmates and the prison guards,” ani Go. 

Sa Senate Bil 1055 o An Act Establishing a Separate Facility for Pri­soners Convicted of Heinous Crimes, magtatayo ng hiwalay na maximum penal facilities sa ligtas at malayong lokasyon para matiyak na mawawalan sila ng kontak sa labas ng kulungan.

Ang nasabing institutions ay itatayo sa Luzon, Visayas at Mindanao at ang kalihim ng Department of Justice (DOJ) ang magdedetermina ng lokasyon.

Batay sa panukala, ang pasilidad ay lalagyan ng state-of-the-art information at security systems, gaya ng surveillance cameras na may kakayahan sa round-the-clock monitoring ng mga preso. 

Lalagyan din ito ng high security locks, pintuan at matataas na bakod sa paligid.

 

HEINOUS CRIME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with