^

Bansa

De Lima at Roxas i-ban sa government - Enrile

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
De Lima at Roxas i-ban sa government - Enrile
Sinabi ni dating Senate President Juan Ponce Enrile, hindi sana magkakaroon ng kalituhan sa probisyon ng RA 10592 o GCTA Law kung inilagay sa IRR ang nakasaad sa section 1 ng batas na hindi kwalipikado na mapalaya sa pamamagitan ng GCTA ang mga heinous crime convicts.
File

MANILA, Philippines – Dapat pagbawalan nang tumakbo o tumanggap ng anumang government posts sina detained Sen. Leila de Lima at ex-sen. Mar Roxas dahil sa iregularidad sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

Sinabi ni dating Senate President Juan Ponce Enrile, hindi sana magkakaroon ng kalituhan sa probisyon ng RA 10592 o GCTA Law kung inilagay sa IRR ang nakasaad sa section 1 ng batas na hindi kwalipikado na mapalaya sa pamamagitan ng GCTA ang mga heinous crime convicts.

 “They should be disqualified forever for holding public office,” giit ni Enrile na Senate president nang malagdaan ang GCTA law noong 2013.

“Sila ang may kasalanan, sila ang gumawa eh (They are the ones at fault since they are the ones who made it). The people who are below there are [just] being guided. They are the Cabinet members. They should hold their mistakes,” wika ni Enrile.

Ang IRR ng GCTA Law ay nilagdaan nina De Lima at Roxas bilang mga kalihim noon ng DOJ at DILG.

Wika pa ni Enrile, labag sa Konstitusyon, non-existent at void ab initio (from the beginning) ang hindi paglalagay sa IRR na hindi dapat kasama sa mabigyan ng GCTA ang mga heinous crime convicts.

 

ENRILE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with